_pang-masa
^

Police Metro

6.6 magnitude na lindol tumama sa Batangas

Angie dela Cruz - Pang-masa

Naramdaman din sa Metro Manila, ibang lalawigan

MANILA, Philippines — Nagulantang ang ma­raming mamamayan nang biglang yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang malakas na paglindol na may lakas na 6.6 magnitude kahapon ng madaling-araw. ganap na alas  4:48 ng umaga.

Ayon sa Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-4:48 nang tumama ang lindol sa Batangas na may sentro ng pagyanig 23 kilometro ng timog kanluran ng Calatagan na may lalim sa lupa na 123 kilometro. Tectonic ang ugat ng natu­rang pagyanig. 

Bunga nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity V sa Calapan City, Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; at Carmona at Dasmariñas City sa Cavite.

Intensity IV naman sa Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City at Talisay City,
Batangas; San Mateo, Rizal at Intensity III sa Pasig City at San Jose del Monte City, Bulacan.

Gamit ang Philippine Seismic Network, naitala ang 80 aftershocks ng lindol at pinamalakas dito ang 5.5 magnitude alas 4:57 ng madaling-araw na ang sentro ay nasa 15 kilometro ng timog kanluran ng Calatagan, Batangas. Bunga nito, naramdaman ang Intensity V sa Calatagan, Batangas; Intensity IV sa Balayan, Calaca & Mabini, Batangas; Intensity III sa Quezon City; Makati City; Manila City; Tagaytay City at Naic sa Cavite; Batangas City, San Pascual at Bauan sa Batangas at Hermosa, Bataan, habang Intensity II sa Lipa City, Batangas.

Una nang pinawi ng Phivolcs ang anumang banta ng tsunami sa kabila ng ang epesentro ng lindol ay nanggaling sa 166 km na lalim ng tubig.

PHIVOLCS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with