_pang-masa
^

Police Metro

Bagyong Fabian lumabas na sa PAR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas na sa Phi­lippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Fabian pero patuloy  pa ring makakaranas ng mga pag-ulan sa Luzon at bahagi ng Western Visayas dahil sa epekto ng habagat.

Pinalalakas ni Fabian ang habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa susunod na 24 oras partikular sa Ilocos region, Cordillera Admi­nistrative Region, Metro Manila, malaking bahagi ng  Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at bahagi ng  Western Visayas.

Magdudulot din ng malakas na pag-ulan dahil sa habagat sa buong  Zambales at Bataan habang katamtaman na minsa’y malakas na pag-ulan ang mararansan sa Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Cavite and Batangas gayundin sa  Laguna, nala­labing bahagi ng  Cordillera Administrative Region, Bulacan, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, northern Palawan kasama na ang  Calamian at Cuyo Islands, Antique at Aklan.

Dulot ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Fabian at epekto ng habagat ay binaha ang mara­ming lugar sa Luzon lalo na sa Metro Manila.

 

TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with