_pang-masa
^

Police Metro

7-days gun ban ipinatupad sa NCR

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong araw na gun ban ang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) sa buong National Capital Region (NCR) upang tiyakin ang seguridad kaugnay ng gaganaping huli o pinal na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 26).

Ayon kay  Eleazar, ipinag-utos niya na suspendihin muna ang Permit to Carry Firearmas Outside of Residence (PTCFOR) sa NCR na bagaman nitong Sabado lamang inianunsyo ay epektibo ito dakong alas-8 ng umaga nitong Hulyo 21 at hanggang Hulyo 28 ganap na alas-8 ng umaga.

“Only members of PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) who are performing official duties and in agency-prescribed uniform will be allowed to carry firearms,” mariing utos ng PNP chief.

Ipinaliwanag ni Eleazar na ito’y upang matiyak na ang SONA ay ligtas sa anumang uri ng karahasan  na may kinalaman sa pagdadala ng mga armas na naglalayong matiyak ang proteksyon at kaligtasan ng publiko.

 Nasa 15,000 pulis ang ide-deploy sa SONA ng Pangulo upang mangalaga sa peace and order sa nasabing okasyon. Ludy Bermudo

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with