_pang-masa
^

Police Metro

18 na positibo sa Delta variant ‘di pa bakunado — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
18 na positibo sa Delta variant âdi pa bakunado â DOH
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa la­mang dito ang ‘fully vaccinated’ habang ang apat ay nakakaisang dose pa lamang.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health na ang 18 sa 47 kumpirmadong COVID-19 Delta variant case sa bansa ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa la­mang dito ang ‘fully vaccinated’ habang ang apat ay nakakaisang dose pa lamang.

Sinabi ng DOH na ka­­salukuyan pang bineberipika ang 23 kaso kung nabakunahan na rin laban sa COVID.

Hindi naman inilahad ng DOH ang impormasyon sa kung anong brand ng bakuna ang naiturok sa mga nagpositibo sa Delta variant.

Base sa datos ng DOH, 47 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa Delta variant kung saan walo ang aktibo; 36 ang nakarekober; at tatlo ang nasawi.

COVID-19 DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with