_pang-masa
^

Police Metro

NCR, 4 lalawigan balik-GCQ

Malou Escudero - Pang-masa
NCR, 4 lalawigan balik-GCQ
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinatupad ang bagong kautusan simula kahapon hanggang July 31, 2021 sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 125 na kung saan ay bawal lumabas ang 5-anyos pataas sa mga lugar na isinailalim sa GCQ “with heightened restrictions”.
The STAR/Boy Santos

5-anyos pataas bawal uli lumabas…

MANILA, Philippines — Inilagay ang National Capital Region at apat pang lalawigan sa ge­neral community quarantine (GCQ) with heightened restrictions matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinatupad ang bagong kautusan simula kahapon hanggang July 31, 2021 sa pamamagitan ng IATF Resolution No. 125 na kung saan ay bawal lumabas ang 5-anyos pataas sa mga lugar na isinailalim sa GCQ “with heightened restrictions”.

Mula sa modified ge­neral community quarantine (MGCQ), ilalagay na rin sa GCQ with heightened restrictions ang Ilocos Sur at Ilocos Norte, Davao de Oro at Davao del Norte.

Dahil nasa GCQ with heightened restrictions ang mga nabanggit na lugar, bawal lumabas nang bahay ang mga bata na may edad limang taong gulang pataas.

Una nang inirekomenda ng mga eksperto na alisin ang polisiya sa pagpapalabas sa mga batang limang taon pataas kasabay ng suhestiyon na maghigpit din ng quarantine protocol sa gitna ng ilang kaso na ng Delta variant na naitatala.

GCQ IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with