_pang-masa
^

Police Metro

PACC at DILG iimbestigahan ang reklamo ng health workers

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang hiling ng isang civil society group sa umano’y pagkawala ng pondong pampasweldo sa mga health workers at pambili ng medical equipment para sa paglaban sa COVID-19 infection sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Lani Santos, co-convenor ng Quezon Rise Movement (QRM), kawawa ang kalagayan ng mga health workers sa kanilang lalawigan dahil halos sumala na sa pagkain dahil sa hindi pagbibigay umano ng suweldo sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.

Kaya’t hiniling nito sa PACC at DILG na agad imbestigahan ang nasabing usapin bago pa lumala ang bilang ng mga namamatay at nagkakasakit sa lalawigan dulot ng COVID-19.

Nabatid na natuklasan ng provincial board ang mga umano’y kwestyonableng proyektong isini­ngit sa annual budget proposal na hindi tugma sa annual investment plan ng probinsya.

Mahigit P76 milyon ang inilaan ng provincial government sa pasuweldo mula sa pangkalahatang budget na P655 million ng Quezon province.

Ayon kay Bokal Sonny Ubana, majority floor leader, na natuklasan nila na hindi tumutugma ang panukalang badyet sa pa­ngakong layunin ni Quezon governor Danilo “Danny” Suarez na pagtutuunan ng pamahalaang panlalawigan ang pagtulong sa mga mamamayan laban sa COVID-19.

COVID-19 DILG HEALTH WORKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with