^

Police Metro

Gulay, bitamina ipinamahagi kontra COVID-19

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang pagdiriwang ng Nutrition Month ay pina­ngunahan nina Malabon City Mayor Lenlen Oreta at District II Councilor Enzo Oreta  ang pamamahagi ng gulay, masustansiyang pagkain at bitamina sa iba’t ibang barangay ngayong mas tumitindi ang mga banta ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Oreta, ang programa ay patunay na prayoridad natin ang kalusugan ng Pamilyang Malabonian para mas mahikayat ang kanilang mga kababayan na mas tangkilikin ang mga masustan­syang pagkain.

Para kay Konsehal Oreta, bukod sa mga health benefits ng pagtatanim ng mga gulay, ay maaari rin gawin itong pangkabuha­yan ng mga benepisyaryo at pasasalamat din sa mga donasyong gulay mula sa kanilang mga “Kaasenso Partners.”

Aniya, hindi niya inaasahang marami pa rin ang lumalapit sa kanilang opisina at napakagandang pandagdag isa mga inis­yatibo ng LGU. 

Ayon naman kay Mary Jane Dimitui, isang Malabonian mula sa General Parents Teachers Association (GPTA) Sector, napakalaking tulong ang mga programa lalo na sa mga kabataang Malabonian.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with