^

Police Metro

Variant cases ng COVID-19 nadagdagan

Danilo Garcia - Pang-masa
Variant cases ng COVID-19 nadagdagan
Ayon sa DOH, nadagdagan ng 187 kaso ang Alpha variant; 142 ang Beta variant cases, 12 naman ang natukoy sa P.3 variant cases; at 12 sa Delta variant cases na ngayon ay nasa 47 na.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Natukoy ng Department of Health (DOH) na mayroon pang karagdagang kaso ng mga variants sa bansa batay sa genome sequencing ng Philippine Genome Center.

Ayon sa DOH, nadagdagan ng 187 kaso ang Alpha variant; 142 ang Beta variant cases, 12 naman ang natukoy sa P.3 variant cases; at 12  sa Delta variant cases na ngayon ay nasa 47 na.

Nabatid na lahat ng bagong kaso ng Delta variant ay mga lokal na kaso. Anim na kaso ang natukoy sa Region 3, da­lawa sa CALABARZON, isang kaso sa Region 5, at tatlong kaso mula sa National Capital Region (NCR).

Ang mga natukoy na karagdagang variant ay mula sa pinakahuling batch ng samples na na-sequenced ng UP- PCG na umabot sa kabuuang 8,930 samples.

Kaya’t pinaalalahanan ng DOH ang publiko na habang patuloy na pinalalakas ng gobyerno ang healthcare capacity, ang minimum public health standards at pagpapabakuna pa rin ang mainam na depensa o panlaban sa anumang variant ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with