_pang-masa
^
Bakuna na itinurok sa taga- Quezon City, higit 1.2 milyon na
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malaking bagay ito lalo pa at may banta ng Delta Variant kaya’t hinikayat nito ang mga residente at mga manggagawa na nagtatrabaho sa lungsod na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.
The STAR/Michael Varcas

Bakuna na itinurok sa taga- Quezon City, higit 1.2 milyon na

Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 1,216,568 doses ng bakuna ang naiturok na sa mga residente at mga manggagawa sa Quezon City sa nagpapatuloy na Vaccination Program ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19.

Sa kabuuan, 739,911 o 43.52% ng 1.7 million na target population ang nabakunahan na ng first dose sa QC sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna.

Umakyat naman sa 476,657 o 28.04% ang nakatanggap na ng second dose.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malaking bagay ito lalo pa at may banta ng Delta Variant kaya’t hinikayat nito ang mga residente at mga manggagawa na nagtatrabaho sa lungsod na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nabibigyan ng schedule ng bakuna ay alinsunod sa first in, first out system at mahigpit na ipinagbabawal ang walk in sa mga vaccination sites.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with