_pang-masa
^

3 milyong doses ng bakuna darating ngayong linggo

Malou Escudero (Pang-masa) - July 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang inaasahang darating ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na nasa 2.5 milyon doses ng Sinovac at 562,779 Pfizer doses ang darating sa bansa.

Ang 1.5 milyon doses ng Sinovac vaccines ay darating ngayong Huwebes, samantalang ang 1 milyon ay bukas, Hulyo 23.

Ang 562,779 doses na gawa ng Pfizer na binili ng gobyerno ay inaasahang dumating kahapon.

Muling hinikayat ni Roque ang mga mamamayan na magpabakuna na upang tumaas ang proteksiyon laban sa mas nakakahawang Delta variant.

Tiniyak din ni Roque na ang mga bakuna na nasa bansa ay epektibo laban sa nasabing variant.

Inihayag din ni Roque na mahigit na sa 5 milyon ang nakatanggap ng second dose ng bakuna.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with