_pang-masa
^

Police Metro

Paglabas ng 5-anyos pataas suspendihin — Metro Manila mayors

Danilo Garcia - Pang-masa
Paglabas ng 5-anyos pataas suspendihin â Metro Manila mayors
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Benhur Abalos sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na sila ay nagbotohan ng mga alkalde at hinihiling sa IATF na kung maaari isuspinde ang polisiya tungkol sa 5 year old pataas sa Metro Manila na lumabas ng bahay dahil may mga kaso ng Delta variant.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sa gitna ng banta ng mas nakahahawang COVID-19 Delta va­riant ay hiniling ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emer­ging Infectious Disea­ses na suspendihin ang polisiya na pinapayagan ang mga kabataang may edad na limang taon pataas na lumabas na ng kanilang bahay at makapunta sa ilang pi­ling outdoor areas.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Benhur Abalos sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na sila ay nagbotohan ng mga alkalde at hinihiling sa IATF na kung maaari isuspinde ang polisiya tungkol sa 5 year old pataas sa Metro Manila na lumabas ng bahay dahil may mga kaso ng Delta variant.

Ipinaliwanag pa ni Abalos, ang limang taon hanggang 17 gulang ay hindi pa bakunado at ang mga ito aniya ay posibleng maging superspreader.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakapag-detect ng 35 Delta variant cases, kung saan 11 ay local. dalawa mula sa 11 local cases ay nasa Ka­lakhang Maynila.

Matatandaang pinayagang lumabas ng IATF ang mga kabataang 5- anyos pataas sa mga open-air spaces, gaya ng mga parke, mga restoran na al fresco, at mga lugar sa labas ng mga mall.

COVID-19 IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with