^

Police Metro

TIPMMG, inaabangan sa iba’t ibang panig ng mundo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
TIPMMG, inaabangan sa iba�t ibang panig ng mundo

Naku, Salve, isang oras lang ‘yung program natin na Take It… Per Minute Me Ganun na napapanood sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON pero every time natatapos tayo, para bang pagod na pagod kaming tatlo nina Cristy Fermin at Mr. Fu, hah hah hah.

Sobra kasi tayong emotionally involved kaya naman parang physically napagod tayo.

Sweet ng mag-asawang Gardo Versoza at Ivy Vicencio dahil lagi silang nanonood sa atin at tawa raw sila nang tawa.

Kalokah din ‘yung natatanggap nating messages sa abroad dahil talagang kung saan-saang panig ng mundo, at regular viewers sila ha.  Talagang after ng show natin, uwi agad ako dahil either inaantok ako, at iyon nga parang napagod ako, hah hah hah. Kaya naman hanga ako kay Cristy na meron pang radio show, pati si Mr. Fu, at ikaw, Salve na diretso pa sa Pang Masa at PSN para mag-deadline. Talaga sigurong ‘pag 74 ka na, sorry na, physically hindi na kaya ang maraming ganap, hah hah hah.

Pero no joke, at honestly, isa sa enjoyment ko ngayon sa buhay ang show natin TIPMMG, activated ang utak ko, source of laughter ko, at talagang mami-miss ko ang company ng team. 

Bawal magkasakit...

Ang hirap pala talagang magkasakit ngayon.

Dahil panahon ng COVID-19 ‘pag nagpunta ka sa ER dapat swab test muna bago ka i-admit.

Habang wait ang result, dapat nasa tent ka muna bago bigyan ng regular room ‘pag lumabas na negative ang COVID test mo.

Heto na ang kaloka, depende sa hospital, 3K a day ang tent, pero ang mabigat ‘yung ikaw ang magbabayad ng PPE ng bawat nurse, caregiver, at doktor na lalapit sa iyo na ang singil, depende rin sa hospital - may P2,300 per PPE or per person na magkakaroon ng contact with you.

At ‘pag nalipat ka na sa regular room, almost P80K a day ang magiging gastos mo.

Wow! Ganun kamahal ang budget ‘pag nagkasakit ka ngayon. Hindi bale nga, basta gumaling ka lang.

Pero ang naisip ko, ‘yung mga nasa charity ward, ‘yung walang panggastos, paano sila nakaka-survive? Saka kung charity ward, sino ang nagbabayad ng PPE ng doctors and nurses?

Saka ang mamahal ng gamot na ginagamit ngayon sa mga suspected COVID-19 patient, how can you afford it?

Bongga pala, talagang bawal na bawal magkasakit at madala sa hospital. Kalokah, puwedeng hindi ka mamatay sa COVID-19, sa shock ng bill na babayaran mo ikaw made-dead, hah hah, joke joke.

Kaya totoo na health is really wealth, dahil ‘yung pera mo, kung ibabayad mo lang sa hospital, enjoy ka na lang at maging healthy. Hay naku, talagang iwas sakit, iwas hospital, laki gastos noh!

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with