_pang-masa
^

Police Metro

Maraming artista, tinatanggap na lahat ng raket!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagwakas na yata talaga ang choosy days ng mga artista ngayong pandemic. Nung wala pang pandemya, naku, pahirapan ang pagkuha ng artistang makakasama sa project, TV man o movies.

Ang telebisyon ang namamayagpag ngayon. May artista kaming napanood na kasama sa tatlong series, huh! Pero paminsan-minsan lang siya napapanood.

May isa namang pumayag mag-cameo role lang. Baka two or three days lang ang offer sa kanya kaya agad nawala sa series. At least, datung din ‘yon!

May isa namang artista na choosy sa paglabas sa TV dati. Malago pa kasi ang datung niya. Pero ngayon ay pinapatos bawat guesting. All over siya sa TV ngayon.

Nauso bago pandemic ang half contract lalo na sa mo­vies. Meron pa kaya ‘yon ngayon eh iilan na lang ang gumagawa ng pelikula? Madalas eh sa streaming platforms napapanood ang movies.

Naku, huwag nang magpaka-choosy ngayon sa projects. Basta bayad, tanggap agad. ‘Yun nga lang, uso pa ba ang kaliwaan na sistema ng bayaran?

May chance na waley na! At the mercy ng producers ang buhay ng mga artista ngayon sa TV man o sa movies!

Lumang Regal movies, patok pa rin

Tutok pa rin sa trabaho si Roselle Monteverde kahit kaarawan niya kahapon.

In full swing na rin kasi ang shooting sa bandang Norte ng Regal movie na Seasons nina Lovi Poe at Carlo Aquino.

Bukod sa movie, malapit na ang streaming ng A Girl And A Guy na collab ng Regal at Reality Entertainment. Nariyan pa ang streaming ng old Regal movies sa digital platforms na sa rami nito eh pinanonood pa rin ng tao, huh!

Happy, happy birthday, Ms. Roselle Monteverde!

(Happy birthday, Ms. Roselle. – SVA)

ROSELLE MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with