^

Police Metro

Adobo ni Juday gustong pakialaman ng DTI?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Adobo ni Juday gustong pakialaman ng DTI?!
Juday

Ang tuksuhan nga, kailangang mag-aral ni Judy Ann Santos kung papaanong magluluto ng adobo, bagama’t sinasabi ng mga kakilala niya na iyon ang kanyang specialty at kaya nga nakapagtayo siya ng restaurant na ang specialty ay adobo na tinangkilik naman. Pero papaano kung ang kanyang adobo ay hindi sumusunod sa standards ng DTI? Hindi naman namin malaman kung bakit hindi sa halip na asika­suhin ay mapanatiling mababa ang presyo sa mga sangkap sa pagluluto ng adobo, ang gustong pakialaman ay iyong paraan ng pagluluto ng adobo.
Basta iyong isang kaibigan naming may restaurant din, si Rebecca Flores, napakasarap magluto ng adobo at hindi raw siya papayag na pakialaman pa ang kanyang recipe ng mga walang magawa.

Demanda kay Tony, ibinasura

Ibinasura na nga ni Senior Assistant City Prosecutor Edward Sena ng Makati ang isinampang kaso ng isang Dennis Ibay laban sa male star na si Tony Labrusca, pero pending pa rin ang dalawang kaso na acts of lasci­viousness na isinampa ng isang babae laban sa kanya na may kinalaman din sa na-dismiss na kaso.
Sinasabi ring mabilis na na-dismiss ang kaso ng pananakit dahil lumampas na ang takdang panahon ng pagsasampa ng kaso. Naganap diumano ang kaguluhan sa bahay ng mga Ibay noon pang Enero at nagsampa lamang sila ng demanda noong Hunyo na. Lampas iyon sa dalawang buwang palugit kung ang isasampa mo ay slight physical injuries lamang. Sinabi raw ng mga complainant na inakala nilang magkakaayos din naman nang walang demanda, pero lalo raw silang nagalit dahil sa statements na ginawa ng nanay ni Labrusca kaya nagharap sila ng kaso.
Ayon sa mga salaysay ng complainant, nagkaroon  ng problema nang malasing si Labrusca at gustong paghubarin ang isa pang bisitang babae. Dahil lasing nga, sa halip na mapigil ng mga gustong umawat sa kanya, ang mga iyon pa ang kanyang binalingan. Sinabi naman ng kampo ni Labrusca na hindi totoo ang bintang at paninira lamang iyon sa male star.
Pero dahil hindi pa nga kasama sa na-dismiss ang dalawang kaso, kung matutuloy iyon ay tiyak na lalabas din naman ang mga ebidensiya at malalaman natin kung ano nga ang talagang nangyari noon pang Enero. Pero kung sila nga ay magkakasundo at maaayos naman ang kaso, mawawala na rin iyon. Kung isampa man ang kaso dadaan pa naman sila sa isang mediation court, at possible pang maayos ang problema. Baka nga malaking problema iyan kay Tony kahit na sabihing maliit na kaso lamang dahil hanggang ngayon siya ay nananatiling isang American citizen. Iyong mga simple at maliliit na kaso, maaaring ibutas sa isang tao kung siya ay foreigner sa isang lugar, kahit na sabihing Pinoy pa rin naman ang parents niya, maliwanag na US passport naman ang gamit niya noong pumasok siya sa Pilipinas. Hintayin na lang natin kung ano mangyayari.

Sunshine, may tiwala sa lovelife ng anak

Hindi na kami nagulat noong mabasa namin ang isang kuwento tungkol sa isang crush daw ng anak ni Sunshine Cruz. Mga dalaga na naman iyan at natural sa kanila ang magkaroon ng crush, at sa ganda ng mga batang iyan imposibleng wala ring may crush sa kanila at sooner or later magkakaroon na rin manliligaw. Pero si Sunshine, hindi bothered. “May tiwala ako sa mga anak ko. Alam nila ang limits nila while they are still in school. Alam din naman nila na hindi sila dapat masyadong serious sa ano mang feelings nila ngayon. Pero siyempre hindi mo naman maaalis ang ganung feelings. Emotions iyan eh. Iyon naman ang sinasabi ko sa kanila. I fell in love and became serious about it  at a young age, at alam nila na hindi rin naman naging maganda ang naging experience ko. Ang maganda nga lang sa karanasan kong iyon nagkaroon ng tatlong matatalino, mababait at magagandang anak,” sabi ni Sunshine.
 

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with