_pang-masa
^

Police Metro

Aljur, hitsurang walang pinoproblema sa hiwalayan nila ni Kylie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Aljur, hitsurang walang pinoproblema sa hiwalayan nila ni Kylie
Aljur

Naka-set sa “Comments on this post have been li­mited” ang Instagram ni Aljur Abrenica, kaya walang makapag-comment sa latest post niya na nasa bar. May kausap at may nakaharap na inumin sa kanilang harap.

Ang caption ni Aljur sa post niya ay “Chill night great food and experience.”

Pustahan, may magko-comment na pa-chill-chill lang siya habang may problema sila ni Kylie Padilla.

Ipagre-react din ng netizens ang convo nina Aljur at ng friend niya at kasama sa bar na “Chill night again soon brother!” na sinagot ni Aljur ng “naman tara na 100%.” 

Carmina, aminadong OA pagdating sa anak

Ang sagot ni Carmina Villarroel na “OA na kung OA” sa netizens na nag-comment na OA ang reaction niya habang nagpapaalam ang anak na si Mavy Legaspi. Pupunta na kasi si Mavy sa Sorsogon para sa lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon  at one month doon.

Sa video, umiiyak si Carmina habang yakap-yakap ang anak at parang bine-baby talk pa. Mahigpit ang yakap ni Carmina ‘yung tipong ayaw bitawan si Mavy na natatawa na lang.

May mga nag-comment nga na OA ang reaction, akala raw nila mag-a-abroad si Mavy, ‘yun pala magti-taping lang. May nag-comment pang puwede namang dalawin nina Carmina at Zoren Legaspi si Mavy dahil malapit lang ang Sorsogon. O, kaya, puwede silang araw-araw mag-video call o mag-Zoom.

Sabi pa ni Carmina, kung sa abroad magti-taping si Mavy, sasama siya. Nag-thank you siya kay Heart Evangelista sa comment nitong “Awwww he will be ok don’t worry.”

Gladys, nasira ang pangako dahil sa Pepito…

Tama ba kami na hindi lock-in ang taping ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento? Kaya nakakauwi ang cast ng kani-kanilang bahay after ng taping. Dahil siguro sa weekly ang show at hindi kailangan ng lock-in taping.

Pero, mabilis din magdirek si director Bert de Leon, marami na agad nakunan sa four days taping, kaya every week ito mapapanood simula July 17. Excited na ang viewers na makilala ang mga batang karakter ng mga karakter sa  Ang Unang Kuwento na kanilang minahal. Malalaman na nila kung paano nagsimula ang relasyon nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na gagampanan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos.

Kasama sa cast ng Unang Kuwento si Gladys Reyes na gaganap na young Dexter Doria, ang nanay na Patrick (gagampanan nina Kokoy de Santos at John Feir). Dahil sa sitcom, sinira ni Gladys ang pangako sa sarili na hindi tatanggap ng offer hanggang may pandemic.

ALJUR ABRENICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with