^

Police Metro

CHR, NTF-ELCAC kinondena ang NPA

Doris Franche - Pang-masa
CHR, NTF-ELCAC kinondena ang NPA
Bukod dito ay nagkaisa din sila ng layunin na wakasan na ang 52 taon ng panggugulo ng CPP-NPA at ang walang habas na paglabag ng mga ito sa mga karapatang pantao.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagkaisa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Commission on Human Rights (CHR) sa pagkondena sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) sa patuloy na paggamit ng mga Anti-Personnel Mines (APM) na lantarang paglabag sa International Humanita­rian Laws (IHL), na ang kahulihan ay naganap sa Jipapad, Eastern Samar na ikinasawi ng isang sundalo at dalawang Cafgu.

Bukod dito ay nagkaisa din sila ng layunin na wakasan na ang 52 taon ng panggugulo ng CPP-NPA at ang walang habas na paglabag ng mga ito sa mga karapatang pantao.

Ayon kay Mark Siapno, deputy spokesperson ng CHR, labag sa prin­sipyo at diwa  ng IHL ang paggamit ng mga improvised explosive devices, gaya ng landmine.

Ipinangako naman ng CHR sa pamamagitan ni Siapno na ang pangyayari ay madadagdag sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga komunistang terorista.

CPP-NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with