^

Police Metro

Roque kay Del Rosario: Ikaw ang traydor!

Malou Escudero - Pang-masa
Roque kay Del Rosario: Ikaw ang traydor!
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, si Del Rosario ang totoong traydor kaya nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.

MANILA, Philippines — “Ikaw ang traydor.”

Ito ang buwelta kahapon ng Malacañang kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario matapos nitong sabihin na nagtaksil si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon dahil isinantabi ang 2015 arbitral ruling tungkol sa West Philippine Sea  na pabor sa Pilipinas.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, si Del Rosario ang totoong traydor kaya nawala sa Pilipinas ang Scarborough Shoal.

“Kalokohan po iyan coming from a proven traitor. Siya po ang nagpaalis sa ating mga kasundaluhan, sa Boro, na naging dahilan na ang Tsina na lang ang natira sa Boro. Mr. Del Rosario, if you want to talk about who that real traitor is, ikaw iyon!” ani Roque.

Sinabi rin ni Roque na si Del Rosario ang namigay ng teritoryo ng Pilipinas sa China at hangga’t wala itong naipapakitang teritoryo na ipinamigay ni Duterte ay dapat itong manahimik.

Hinikayat din ni Roque ang iba pang mga abogado at grupo na pag-aralan ang legal na pananagutan ni Del Rosario sa pagsuko sa Scarborough Shoal sa China.

Dapat din aniyang mangilabot si Del Rosario sa mga sinasabi nito at mahiya sa buong bansang Pilipinas.

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user