_pang-masa
^

Police Metro

Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa bangga

Jojo Perez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang mag-asawa habang ang kanilang anak ay idineklarang dead on arrival sa ospital matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa Land Cruiser sa Barangay Calaylayan, Abucay, Bataan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing mag-asawa na sina Denmark Magramo at Jesamay Sarniento at 3- anyos nilang anak.

Sa ulat, sakay ang pa­milya sa motorsiklo galing sa pinapasukang poultry farm at pauwi sa kanilang bahay nang mahagip sila habang patawid sa Roman Highway ng paparating na Land Cruiser.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mag-anak na kung saan ay namatay noon din ang mag-asawa habang ang anak nilang paslit ay idineklarang dead on arrival sa ospital.- Doris Franche

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with