_pang-masa
^

Police Metro

500,000 katao ililikas sa Batangas

Joy Cantos - Pang-masa
500,000 katao ililikas sa Batangas
Dahil dito, sinabi National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Ricardo Jalad na pinagha­handaan na ng mga disaster officials ang “worst case scenario” sa malakas na pagsabog ng bulkan.
AFP/Ted Aljibe

‘Pag sumabog ng malakas ang Taal volcano

MANILA, Philippines — Nagbabala ang isang opisyal na nasa 500,000 residente sa Batangas ang posibleng ilikas kapag naganap ang pinanga­ngambahang malakas na pagsabog ng Bulkang Taal.

Dahil dito, sinabi National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Ricardo Jalad na pinagha­handaan na ng mga disaster officials ang “worst case scenario” sa malakas na pagsabog ng bulkan.

“Kapag nagkaroon ng matinding pagsabog ang Bulkang Taal, posibleng umabot ng 500,000 ang mga ililikas sa Batangas. Ito ay ‘yung mga within 14 kilometer radius,” pahayag ni Jalad sa isang radio interview.

Sinabi ni Jalad na sa kasalukuyan sa patuloy na “phreatomagmatic explosion ng Taal volcano at pa­tuloy nitong pag-aalboroto ay nagbabadya ito ng mas malakas pang pagsabog na lubhang mapanganib kaya pinagha­handaan na ng NDRRMC ang posibleng paglilikas sa nasabing bilang ng mga tao sa palibot ng bulkan.

“Based sa risk assessment, kung sakali na magkaroon ng violent eruption, sa risk map na ginawa ng PHIVOLCS, ang estimate na ililikas mula sa municipalities and cities of Batangas, including part of Tagaytay at Lemery, ay half a million, we are preparing,” pahayag ni Jalad.

Samantalang bukod dito, naghahanda na rin aniya sila sa posibleng epekto ng paglabas ng nakalalasong gas, volcanic tsunami at pagbagsak ng debris mula sa bunganga ng bulkan.

Inihayag ni Jalad base sa assessment ng Phivolcs,  nagsasagawa na sila ng calibrated response kung saan dahilan sa kapasidad ng risk assessment ng PHIVOLCS at pagmomonitor sa aktibidad ng bulkan ay maaring maging calibrated ang kanilang pagresponde.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Jalad ang re­komendasyon ng PHIVOLCs ay ilikas ang mga residente sa limang barangay sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo at maging sa iba pang mga lugar na malapit sa Taal Island.- Angie Dela Cruz

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with