_pang-masa
^

Police Metro

Kadete natagpuang patay sa banyo ng barracks

Jojo Perez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay kahapon ng umaga ang isang kadete sa loob ng banyo ng  isang barracks ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA), San Narciso, Zambales.

Kinilala ang nasawing kadete na si Fourth Class Jonas Bondoc na natagpuang patay sa banyo ng kanilang barracks, alas-6:30 ng umaga.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Bondoc habang nagbitiw na sa puwesto ang commandant of cadets, battalion officer, at company officer upang bigyang daan ang isasagawang impartial at mabilis na imbestigasyon.

Nagsasagawa na rin ng kaukulang imbestigasyon ang PNP San Narciso at patuloy umanong makikipagtulungan ang pamunuan ng PMMA upang lumabas ang katotohanan sa naging pagkamatay ni Bondoc.

PATAY PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with