^

Police Metro

Bakuna Express ni VP Robredo aarangkada sa VisMin

Joy Cantos - Pang-masa

Davao City handang isama kung hindi pupulitikahin…

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ang paghahatid ng “Vaccine Express” program ni Vice President Leni Robredo sa Cagayan de Oro City.

Ito ang kinumpirma ni Cagayan de Oro City Rep Rufus Rodriguez kung saan nasa 20,000 drivers ng trisikad, habal habal, motorcycle, jeepney, taxi at maging market vendor ang mabibigyan ng bakuna.

Maliban sa CDO ay handa din ang OVP na dalhin ang vaccine express sa ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao maging sa Davao City.

Una nang sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, taga­pagsalita ni Robredo na handa nilang tulungan  ang Davao sa paglaban nito sa COVID-19 maliban na lamang kung haharangin ni Mayor Sara Duterte at aakusahan ng pamumulitika.

Anya, hindi pamumulitika ang ginagawa ni Robredo taliwas sa akusasyon ni Mayor Duterte bagkus, ang Pa­ngalawang Pangulo ang siyang napupulitika.

Matatandaan na nagbigay ng suhestiyon si Robredo sa Davao City na gayahin ang sistemang ginawa ng Cebu City para pababain ang COVID cases pero, hindi umano maluwag na tinanggap ni Mayor Duterte ang payo at sinabihan ang una na iwasan ang pagbibigay ng payo kung wala naman itong alam sa kung ano ang nangyayari sa ibaba.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with