_pang-masa
^

Police Metro

P1.2 milyong marijuana nasabat sa apat

Doris Franche - Pang-masa
P1.2 milyong marijuana nasabat sa apat
Sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormas­yon ang Rizal Municipal Police Station (MPS), Kalinga Provincial Police Office (PPO), na isang grey na Toyota Vios na may plate number NDE 9548 ay may kargang marijuana mula sa Tabuk City, Kalinga.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Apat na suspek ang naaresto ng mga otoridad nang masabat sa kanilang sasakyan ang nasa 10 kilong marijuana sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin Lipalam, 24; Jayson Pallares Tresmil, 24; Alvin Lampag Guiab, 20; at alyas Marco, 17.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormas­yon ang Rizal Municipal Police Station (MPS), Kalinga Provincial Police Office (PPO), na isang grey na Toyota Vios na may plate number NDE 9548 ay may kargang marijuana mula sa Tabuk City, Kalinga.

Nang harangin ng mga tauhan ng Rizal-MPS ang naturang sasakyan sa Quarantine Control Point, ay humarurot ito patungong Abbut, Quezon, Isabela.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad at nakorner nila ito sa nasabing lugar.

Bukod sa 10 kilo ng marijuana ay nakuha rin sa mga suspek ang 1 unit cal. 38 rev without SN; 5 live ammo of cal. 38; 1 unit cellphone; 1 Sagada bag at 1 sling bag.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with