^

Police Metro

Drug suspect dedo sa Quezon City shootout

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang drug suspect nang ito umano ay makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng surveillance at anti-cri­minality campaign sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Gerry Llanasas, alyas “Bumbay”, 42, tubong Surigao Del Sur at residente ng 24 Bessang Pass, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sa naantalang ulat, alas-8:10 ng gabi ng Hun­yo 24 ay nagsasagawa ng surveillance at anti-criminality campaign ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 14  sakay ng isang pribadong behikulo nang mapansin ang suspek na may kasamang isa pang lala­ki na naglalakad sa lugar.

Nakatunog umano ang suspek sa presensiya ng mga pulis kaya’t nagbunot ng baril at kaagad na nagpaputok sa direksiyon ng mga otoridad at saka nagtatakbo papasok sa loob ng kanyang bahay.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at nang  mu­ling magpaputok ng baril ay napilitan umanong gumanti ang mga pulis at binaril ito at tinamaan.

Kaagad isinugod ng mga pulis sa Quirino Memorial Medical Center ngunit idineklara nang dead on arrival.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with