_pang-masa
^
âMission accomplished ka, Noyâ
Ito ang statement na binasa ni Pinky Aquino-Abellada at sinabi rin nito na isang pribilehiyo na naging kapatid ang dating pangulo.
AFP/Ted Aljibe

‘Mission accomplished ka, Noy’

Malou Escudero (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Mission accomplished ka, Noy”, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother”.

Ito ang statement na binasa ni Pinky Aquino-Abellada at sinabi rin nito na isang pribilehiyo na naging kapatid ang dating pangulo.

Pinasalamatan din ni Pinky nito ang mga mamamayan na bomoto kay Aquino noong siya ay maging congressman, senador at presidente.

Sinabi rin ni Pinky na payapang namatay habang natutulog ang kanilang kapatid alas- alas-6:30 ng umaga kahapon dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Inalala rin ni Pinky na naging masakit para sa kanila na tahimik lang na tinanggap ni Aquino ang mga batikos pagkatapos ng kanyang termino.

Sinabi rin ni Pinky na matapang na hinarap ni Aquino lahat ng imbestigasyon at akusasyon, sa Sandiganbayan noong Nobyembre 2017 tungkol sa Mamasapano encounter,sa Senado noong Disyembre 2017, at sa Kongreso noong Pebrero 2018 tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Dinala ng mga labi ng dating pangulo sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya at  mga nagmamahal sa dating presidente.

Hiniling ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga mamamayan na ipagdasal ang kapayapaan ng kaluluwa ng dating pangulo.

Agad ding nagparating ng pakikiramay sa pamilya Aquino ang Davao City government kung saan inilagay sa half-mast ang lahat ng watawat sa buong siyudad hanggang sa libing ng dating presidente.

“Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si PNoy.Mabuti siyang kaibigan at tapat na Pangulo [His death is heartbreaking. He is a good friend and an honest President],” pahayag ni Vice President Leni Robredo na kapartido ni  Aquino sa Liberal Party.

“Rest in Peace and Power, Mr. President. May angels guide your path on the way to your Heavenly home, my friend”,pahayag naman ni QC Mayor Joy  Belmonte.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamilya Aquino na kung saan nakilala si Noynoy sa pagsusulong ng reporma tungo sa wastong pamumuno na nagresulta sa mas maayos na serbisyo at mas mababang oportunidad ng kurapsyon.

Kaugnay nito, inilagay sa “half-mast” ang lahat ng bandila ng Pilipinas sa lungsod ng Maynila bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng dating lider ng bansa. - Angie dela Cruz, at Ludy Bermudo

 

Related video:

BENIGNO AQUINO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with