_pang-masa
^
Paslit kinatay ng dalagitang pinsan
Itinago ng pulisya sa alyas Daniel ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

Paslit kinatay ng dalagitang pinsan

Jorge Hallare (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa baybayin ng dagat ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos na ito ay ataduhin ng 16-anyos na dalagitang pinsan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tinago, Vigan, Ca­tanduanes.

Itinago ng pulisya sa alyas Daniel ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang suspek na itinago sa alyas Vivian ay sumuko sa pulisya at nasa pangangalaga ng social worker.

Sa imbestigasyon ay iniwan ito ng kanyang lola, pasado alas-6:00 ng gabi para bumili ng krudo sa tindahan at pagbalik ay hindi na mahanap ang apo.

Kinaumagahan ng alas-5:30 ay nakita ng isang Francisco Tawat, 55-anyos ang bata na patay na at inakalang nalunod sa dagat.

Sa ginawang post mortem examination ng Viga Rural Health Unit, lumabas na namatay ang biktima sa pananaksak base sa nakitang mga sugat sa itaas na bahagi ng tiyan, likod, leeg at iba pang bahagi ng katawan.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with