Quezon City killer cop sinibak na sa serbisyo
MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang pulis na bumaril at pumatay sa isang 52-anyos na ginang sa Fairview, Quezon City noong Mayo 31.
Inaprubahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na sibakin sa serbisyo si Police Master Sergeant Hensie Zinampan na nakunan ng video sa aktong pagbaril at pagpatay kay Lilybeth Valdez, 52.
Paliwanag ni Eleazar, ang anumang rekomendasyon ng IAS ay dumadaan muna sa Discipline, Law and Order Division (DLOD) sa ilalim ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) para rebisahin bago iakyat sa PNP Chief.
- Latest