_pang-masa
^

Fiscal inutas ng riding-in- tandem

Doris Franche (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang fiscal matapos na ito ay pagbabarilin habang kinukumpuni ang sasakyan kamakalawa sa Conner, Apayao.

Ang nasawi ay kinila­lang si Fiscal Victor Beg­tang Jr, 49, residente ng Sitio Hanhan, Barangay Malama, Conner, Apayao at nakatalaga bilang De­puty Ilagan City Prosecutor.

Sa ulat, alas-2:20 ng hapon ay kinukumpuni ng biktima ang kanyang sasakyan sa loob ng kanilang compound nang  lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na nakasuot ng bonnet habang ang biktima ay isinugod sa Conner District Hospital ngunit binawian din ng kanyang buhay dahil sa apat na tama ng bala sa katawan.- Victor Martin

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with