_pang-masa
^
Metro Manila nasa âlow riskâ na ng COVID-19
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemio­logy Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 por­s­yento sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo habang bumaba na rin sa 5.7 ang ADAR (­average daily attack rate).
STAR/File

Metro Manila nasa ‘low risk’ na ng COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

4 rehiyon ‘high risk’ pa rin…

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na nasa “low risk classification” ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemio­logy Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 por­s­yento sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo habang bumaba na rin sa 5.7 ang ADAR (­average daily attack rate).

Sa pagitan ng Hunyo 16-22, nakapagtala ng 685 na daily average ng kaso ng COVID-19 na mas mababa sa 825 average cases sa pagitan ng Hunyo 9-15.

Malaki ang ibinaba ng bagong datos sa 5,534 daily average mula Marso 29 hanggang Abril 4 sa kasagsagan ng peak ng COVID-19 cases na daan para ideklara muli ang ‘enhanced community quarantine’ sa NCR.

Makaraan na pumatag ang mga kaso, unti-unting bumababa na umano ito ngayon at kailangang ma­panatili sa mga susunod na linggo, ayon kay De Guzman.

Inilagay naman sa ‘high-risk’ ang CARAGA, Regions 6 na nagtala ng 27% pagtaas;Western Visayas-41%; Davao Region-53% at 33% sa Soccsksargen.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with