_pang-masa
^
PNP-IAS: Quezon City killer cop sibakin sa serbisyo
Sinabi naman ni ­Eleazar na babasahin muna niya ang resolution upang maiwasan ang anumang isyu, pero titiyakin niyang matatanggal sa pagkapulis si Zinampan kung kinakailangan katulad nang sinapit ni Master Sgt. Jonel Nuezca na malapitang pinatay ang mag-inang sina Sonia, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25 sa Paniqui Tarlac noong December 2020 .
STAR/File

PNP-IAS: Quezon City killer cop sibakin sa serbisyo

Doris Franche (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpadala na ng re­solution si PNP-Internal Affairs Service chief Triam­bulo kay PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar para sibakin sa serbisyo si Master Sgt. Hensie Zinampan na nakatalaga sa PNP Police Security and Protection Group na nakuhanan ng video na bumaril at pumatay  sa isang ginang sa Quezon City noong Mayo.

Aniya, malakas na ebidensiya ang video upang makasuhan ng murder at matanggal sa serbisyo si Zinampan.

Hindi naman umapela si Zinampan sa ginawang pagpatay kay Lilybeth Valdez, 52, ng Greater Lagro, Fariview Quezon City matapos na magkaroon ng pagtatalo noong Mayo 31.

Sinabi naman ni ­Eleazar na babasahin muna niya ang resolution upang maiwasan ang anumang isyu, pero titiyakin niyang matatanggal sa pagkapulis si Zinampan kung kinakailangan katulad nang sinapit ni Master Sgt. Jonel Nuezca na malapitang pinatay ang mag-inang sina Sonia, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25 sa Paniqui Tarlac noong December 2020 .

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with