_pang-masa
^
Vaccine project ni Robredo palalawigin sa Visayas at Mindanao
Ang apela ni Rodriguez na mula sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) kay Robredo ay kasunod na rin ng pinakahu­ling OCTA Research findings kung saan tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa COVID.
AFP/Yaksin Akgul

Vaccine project ni Robredo palalawigin sa Visayas at Mindanao

Joy Cantos (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na umaksyon si Vice President Leni Robredo sa apela ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na dalhin ang programa niyang Vaccine Express sa Visayas at Min­danao kabilang ang Davao City upang tugunan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ang apela ni Rodriguez na mula sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) kay Robredo ay kasunod na rin ng pinakahu­ling OCTA Research findings kung saan tinukoy ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro at Tacloban bilang areas of concern sa COVID.

Magugunita sa unang araw ng Vaccine Express ni Robredo sa Maynila ay nasa 2,275 tricycle, pedicab at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod pa sa P500 fuel incentive at nakatakdang isunod naman ang mga vendors.

Matatandaan na nagkairingan sina Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte nang magbigay ng advice ang Bise Presidente sa alkalde na pag-aralan ng Davao City ang Covid approach ng Cebu City dahil nangunguna umano ang Davao City na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.

Nagpahayag naman si Mayor Duterte na dapat ay hindi nagbibigay ng payo ang Bise Presidente kung hindi naman nito alam ang nangyayari at sinabing kulang sa pang-unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with