_pang-masa
^
COVID-19 Delta variant mas mapanganib at madaling kumalat
Ito ang inihayag ni Dr. Edsel Salvaña, isang ‘infectious disease expert’ at isa sa adviser ng National Task Force on COVID-19 nang maiulat na mas nakakahawa ng apat na beses ang Delta variant na unang naiulat sa India kaysa sa orihinal na virus mula sa Wuhan, China at mas dobleng nakakahawa kumpara naman sa United Kingdom variant.
geralt via Pixabay

COVID-19 Delta variant mas mapanganib at madaling kumalat

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

Pagsusuot ng face shield kailangan pa…

MANILA, Philippines — Dahil umano sa mas mapanganib na COVID-19 Delta variant na maaa­ring maihawa kahit na sa mga pagkakataong saglit lamang ang kontak sa isang carrier ay hindi pa talaga dapat tanggalin ang pagsusuot ng face shield.

Ito ang inihayag ni  Dr. Edsel Salvaña, isang ‘infectious disease expert’ at isa sa adviser ng National Task Force on COVID-19 nang maiulat na mas nakakahawa ng apat na beses ang Delta variant na unang naiulat sa India kaysa sa orihinal na virus mula sa Wuhan, China at mas dobleng nakakahawa kumpara naman sa United Kingdom variant.

Anya, mas mabilis umano itong maipasa kahit saglit lamang ang interaksyon sa isang positibong tao kumpara sa ibang mga variants na kailangan ng 15 minuto bago maipasa.

Kapag nahawa, tila mas matindi umano ang tumatamang sakit sa isang pasyente kumpara sa ibang variants ng virus.

Sinabi niya na hindi ito panahon para isugal ng mga Pilipino ang kalusugan at ang mga narating sa laban sa COVID-19 sa hindi pagsusuot ng face shield.

COVID-19 FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with