_pang-masa
^
Ilang Pinoy na kumpleto sa bakuna, tinamaan pa rin ng COVID-19
Mga residente ng San Juan City ay pumila para sa kanilang bakuna sa COVID-19 nitong Mayo 24, 2021
The STAR/Boy Santos

Ilang Pinoy na kumpleto sa bakuna, tinamaan pa rin ng COVID-19

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May ilang Pinoy na nakakumpleto na sa bakuna ang nahawa pa rin ng COVID-19 na tinatawag ngayong “breakthrough infections”.

Ito ang pag-amin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad nilinaw na hindi ito marami kaya’t hindi pa siya makapagbigay ng numero kung ilan na ang may kasong ganito.

Anya, kailangan ni­lang makumpirma ngayon kung ilang araw matapos ang unang dose o second dose bago sila nagkaroon ng COVID-19 para ma­kagawa ng kaukulang mga hakbang.

Pero, nilinaw pa rin ni Vergeire na mabisa pa rin ang mga bakuna kontra COVID-19 upang hindi magkaroon ng malalang sakit na dulot ng virus at maging ang mga bagong variants kabilang ang Delta variant na mula sa India ay nalalabanang mabuti umano ng mga bakuna.

Sa katunayan, ang Pfi­zer COVID-19 vaccine ay 79% mabisa kontra Delta variant at 92% mabisa kontra Alpha variant na mula naman sa United Kingdom.  Ang AstraZe­neca naman ay mabisa ng 92% kontra Delta variant.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with