_pang-masa
^
Batas kailangan para maging mandatoryo ang pagbakuna
“Kinakailangan ng batas para po ma-require itong mandatory vaccination at yung ipapataw na parusa doon sa ayaw magpabakuna. So madali naman pong i-request ‘yan sa Kongreso dahil alam naman po ng Kongreso rin ang importansya nitong pagbabakuna,” ani Roque.
The STAR/Michael Varcas

Batas kailangan para maging mandatoryo ang pagbakuna

Malou Escudero (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

Banta ni Duterte na ipapaaresto ang ayaw magpabakuna…

MANILA, Philippines — Sinabi ni Presidential Spokesperson na maaaring hilingin ng Malacañang sa Kongreso na magpasa ng batas para sa mandator­yong pagpapabakuna ng mga mamamayan laban sa COVID-19 at kung ano ang katapat na parusa para sa mga tatanggi.

“Kinakailangan ng batas para po ma-require itong mandatory vaccination at yung ipapataw na parusa doon sa ayaw magpabakuna. So madali naman pong i-request ‘yan sa Kongreso dahil alam naman po ng Kongreso rin ang importansya nitong pagbabakuna,” ani Roque.

Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto niya ang mga mamamayan na tatangging magpabakuna.

Pero, sinabi rin ni Roque na sana ay hindi na umabot sa punto na kailangan pang parusahan ang mga tatanggi sa bakuna.

Ipinagtanggol din ni Roque ang Pangulo sa kanyang banta na ipapa­kulong ang mga ayaw magpabakuna dahil mayroon aniyang “police power” ang gobyerno para maprotektahan ang kaligtasan ng lahat.

Ipinunto pa ni Roque na sa ngayon na hindi pa sapat ang suplay ng bakuna kaya hinihika­yat pa lang ang lahat ng magpaturok.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with