_pang-masa
^
Leni- Moreno, nagsama para sa bakuna express
Pinangunahan nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang paglulunsad kahapon ng programa ng Office of the Vice President na “Vaccine Express” na ang layunin ay mabakunahan ang lahat ng economic frontliners tulad ng mga drivers, vendors at iba pa.
Edd Gumban

Leni- Moreno, nagsama para sa bakuna express

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsama sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno para sa pag-arangkada ng programa ng una na Vaccine Express kahapon.

Dito ay binakunahan ang mga economic frontli­ners tulad ng tricycle, pedicab, at delivery riders mula sa lungsod ng Manila na kabilang sa A4 category ng priority groups.

Pinasalamatan ni VP Leni at Mayor Isko ang tanggapan ng bawat isa dahil sa all-out na kooperasyon at suporta na binigay ng mga ito para sa pagpapaigting ng vaccination drive ng lungsod.

“Iyong suportang binigay sa amin all-out. Kaya pagdating ni Mayor Isko kanina pinapasalamatan ko siya kasi iyong staff talaga niya, lahat ng klase ng tulong na kailangan namin binigay. And nakakatuwa iyon. Nakakatuwa na hindi tinitingnan iyong kulay. Basta sa ngalan ng serbisyo para sa bayan ay magtutulungan [dahil] ang magbe-benefit dito iyong taumbayan,” wika ni VP Leni.

Pinasalamatan naman ni Moreno ang tulong ng inisyatibo ng OVP para sa mga riders at drivers kaya’t ipagpapatuloy nila ang Vaccine Express para naman sa mga vendors sa lungsod.

Pinasalamatan din ni Robredo ang mga doktor at nars na nag-volunteer bilang screeners at vaccinators, pati mga kabataan mula sa iba’t ibang paaralan para sa maayos na pagsasagawa ng programa.

ISKO MORENO LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with