_pang-masa
^

Sekyu pinatay ng pasyente na sinaway

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang ni­lalapatan ng lunas ang isang sekyu nang barilin ng isang pasyente na umagaw sa kanyang baril sa loob ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Arturo Budlong, 37, guwardiya sa ikalawang palapag ng pagamutan habang sugatan din at nilalapatan ng lunas sa nasabi ring ospital ang suspek na si Anthony Carlo Galivo, 37, nang mabaril ng  mga rumespondeng pulis.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-10:40 ng gabi sa ikalawang palapag ng naturang pagamutan ay sinita ni Budlong si Galivo dahil sa paglalabas-masok nito sa kaniyang kuwarto.

Pagtalikod ng sekyu ay dito inagaw ng suspek ang kaniyang kalibre .9mm na baril at pinaputukan nang malapitan sa dibdib.

Nang bumagsak ang biktima ay tumakbo ang suspek patungo sa morgue kung saan siya inabutan ng mga nagrespondeng pulis na pinutukan nito.

Napilitang gumanti ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa tiyan at dibdib na dinala sa emergency upang lapatan ng lunas. Habang nalagutan ng hininga ang biktima kahapon ng umaga.

Nabatid na noong Hun­yo 18 nang ma-admit sa ospital ang suspek nang tangkain nitong magpakamatay.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with