_pang-masa
^
17 kaso ng COVID-19 Delta variant naitala sa pinas
Sa huling datos mula sa Philippine Genome Center at UP National Institute of Health, apat na kaso pa ng Delta variant ang nadagdag sa unang naiulat na 13 kaso at tatlo sa bagong kaso ay mga Filipino seafarers na nakabiyahe sa South Korea, samantalang ang isa ay galing naman ng Saudi Arabia.
Image by PIRO4D from Pixabay

17 kaso ng COVID-19 Delta variant naitala sa pinas

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sa bansa ng 17 kaso ng mas mabilis na maihawa na Delta variant ng COVID-19.

Sa huling datos mula sa Philippine Genome Center at UP National Institute of Health, apat na kaso pa ng Delta variant ang nadagdag sa unang naiulat na 13 kaso at tatlo sa bagong kaso ay mga Filipino seafarers na nakabiyahe sa South Korea, samantalang ang isa ay galing naman ng Saudi Arabia.

Dalawa sa kanila ay nakakumpleto na ng 10-day isolation at nakalabas na habang ang isa ay na-admit sa pagamutan dahil sa kaniyang kundisyon.

Ang ikaapat na kaso naman ay isa ring ‘returning overseas Filipino (ROF)’ na mula sa Saudi Arabia noong Mayo 24. Nakakumpleto na rin siya ng isolation period at idineklara nang ‘reco­vered’ nitong Hunyo 10.

Inihayag din ng DOH na nakadiskubre rin ng panibagong 14 na kaso ng Alpha variant (UK); 21 Beta variant (South Africa); at isang Theta variant (P.3, Philippines).

Kaya’t patuloy ang mahigpit nilang pagbabantay sa pagsulpot ng mga variant ng COVID-19 sa bansa para agad na makaaksyon at hindi na kumalat ang mga ito lalo na sa patuloy na pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with