_pang-masa
^
COVID-19 vaccination proof gagawing digital
Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at mahalaga ang QR Code na ibibigay sa mga bakunado.
Ethan Miller/GETTY IMAGES NORTH AMERICA/Getty Images via AFP

COVID-19 vaccination proof gagawing digital

Malou Escudero (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Magkaroon ng digital ID sa mga nakakumpleto na sa bakuna ang target ng gobyerno.”

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at mahalaga ang QR Code na ibibigay sa mga bakunado.

Sa kasalukuyan ay nagbibigay ang mga local government units ng cards sa mga nabigyan na ng bakuna na nagsisilbi rin nilang records na kung saan nakalagay sa card ang impormasyon ng brand ng bakuna, ilang doses ang ibinigay at kailan at saan ito natanggap.

Sinabi rin ni Nograles na tinatalakay na nila kung ano ang mga benepisyong makukuha ng mga kumpleto na ang bakuna laban sa mga hindi pa rin nagpapabakuna.

Bukod dito ay isinusulong ang hindi na pagsasailalim sa RT-PCR tests sa tuwing pupunta sa mga tourists destinations.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with