_pang-masa
^
Pagsuot ng face shields mandatory pa rin
Ito ang kambiyo kahapon ng Malacañang sa naunang pahayag at sa pamamagitan ng Twitter ay inihayag kagabi ni presidential spokesperson Harry Roque na sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng mga health experts dahil sa Delta variant o ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na unang nakita sa India.
The STAR/Edd Gumban

Pagsuot ng face shields mandatory pa rin

Malou Escudero (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Mandatory, pa rin ang pagsusuot ng face shields sa indoor at outdoor.”

Ito ang kambiyo kahapon ng  Malacañang sa naunang pahayag at sa pamamagitan ng Twitter ay inihayag kagabi ni presidential spokesperson Harry Roque na sinunod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng mga health experts dahil sa Delta variant o ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na unang nakita sa India.

“Acting on the advice of health experts, and in view of the Delta variant, PRRD declares that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory, “ ani Roque sa kanyang tweet.

Matatandan na nagkaroon ng kalituhan tungkol sa pagsusuot ng face shields matapos kumpirmahin ni Roque ang sinabi ni Duterte kina Senate President Vicente “Tito” Sotto at Sen. Joel Villanueva na nais na lamang niyang sa loob ng ospital isuot ang face shields.

Dahil sa sinabi ng Pa­ngulo, inihayag ni Roque na isa na itong polisiya pero kalaunan ay binawi rin dahil sa apela ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Sinabi ni Roque na hindi kasama sa inapela ng IATF ang hindi magsusuot ng face shields sa labas ng tahanan o gusali pero dakong alas-7:00 ng gabi ay inihayag niya sa tweet ang desisyon ng Pangulo.

Related video:

FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with