_pang-masa
^
Higit P58 milyong shabu nasabat sa Cavite, 5 timbog
Iprinisinta sa media ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limang drug suspect na naaresto sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi na kung saan ay nasamsam ang nasa mahigit P58 milyong halaga ng shabu.
Edd Gumban

Higit P58 milyong shabu nasabat sa Cavite, 5 timbog

Cristina Timbang (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang bigtime drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang drug operation sa isang subdivision sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang 5 suspek na sina Tamano Daud, 41, alyas Tam; Ismael Daud, alyas Intsik, 24; Omar Radia, alyas Omar, 43; Bainor Maguid, alyas Bai, 23; at Sandra Maguid, alyas Norma Maguid Ayuman, 35, pawang mga tubong Maguindanao at mga residente ng #158 Tansui Street, Sara Subd., Brgy. Bayan Luma III, Imus, Cavite City.

Sa ulat, alas-10:15 ng gabi nang salakayin ng Manila Police District Drug Enforcement Unit, PDEA, PRO4A, Cavite PPO at Imus MPS ang drug operation sa bahay ng mga suspek.

Dito ay aktong naabutan ng mga otoridad ang limang suspek na nagbabalot at nag-aayos ng mga droga para sa kanilang delivery transaction sa mga kliyente.

Nasamsam sa mga suspek ang 74 piraso  plastic na may mga lamang shabu, 7 knot tied  plastic sachets na may mga laman ding shabu, 3 pirasong malalaking plastic plastic sachet na may mga lamang shabu na aabot sa mahigit  8.533 kilo at nagkakahalaga ng  P58,024,400.00.

Bukod sa mga droga ay nasamsam din sa loob ng bahay ng mga suspek mga drug paraphernalias, mga baril at bala.

Ibinunyag din ni MPD Director PBGen Leo Francisco na mga miyembro ng Tamano Drug Group ang mga nadakip na suspek na nagpapakalat ng iligal na droga hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa kalapit na lalawigan ng Rizal. 

Sangkot din sila sa notoryus na drug suspek na si Montessir Sabal, dating alkalde ng bayan ng Talitay sa Mindanao at nasawi kamakailan nang mabaril ng mga pulis nang mang-agaw umano ng baril sa Quezon City. - Danilo Garcia

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with