_pang-masa
^

3 BIFF members patay sa engkuwentro

Doris Franche (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nasawi habang apat ang sugatan nang makaengkuwentro ang mga militar sa lalawigan ng Maguindanao, kamakalawa.

Kinilala ni Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ang mga nasawi na sina Dhen Dhen Haron (alias Kirim); Ali Amil Hasim; at Buhari Bualan.

Sinabi ni Lt. Col. Benjamin Cadiente, Commanding Officer ng 33rd Infantry Battalion (33IB), alas-5:50 ng umaga ay nagsasagawa ng clearing operation ang mga kawal ng 33IB at 1st Mechanized Battalion nang makasagupa ang mga ekstremistang BIFF sa Barangay Linantangan, Shariff Saydona Mustafa na kung saan ay napatay ang tatlong terorista at pagkasugat ng apat na kasama na pawang mga tauhan ni Kumander Muslimin Amilil ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction).

Nasamsam din ng mga sundalo ang mga armas na ginamit ng mga suspek na kinabibilangan ng dalawang caliber .45 pistol, isang 9mm pistol, dalawang granada, mga bala at isang sachet ng shabu, ayon kay Col. Pedro Balisi, Commander ng 1st Mechanized Brigade. - Rhoderick Beñez

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with