_pang-masa
^
Kapwa walang trabaho ginang pinatay ng aburidong mister
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Realyn Maglimti Lamban, 27, tubong Samar. Habang agad naaresto ang mister nitong si Ferdinand Suarez Panti, 30, kapwa residente ng No.798 Manga St., Sitio San Roque 2, Bagong Pag-Asa, ng lungsod.

Kapwa walang trabaho ginang pinatay ng aburidong mister

Mer Layson (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng isang aburidong mister ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kahapon ng mada­ling araw. 

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Realyn Maglimti Lamban, 27, tubong Samar. Habang agad naaresto ang mister nitong si Ferdinand Suarez Panti, 30, kapwa residente ng No.798 Manga St., Sitio San Roque 2, Bagong Pag-Asa, ng lungsod.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bago naganap ang krimen, bandang alas-3:00 ng madaling araw sa loob ng tahanan ay narinig ng mga kapitbahay ang biktima na sumisigaw ng “tulong-tulong may sunog.”

Makalipas ang ilang minuto ay muling su­migaw ang biktima ng “tulong-tulong sasaksakin ako ng asawa ko.”

Kaya naman agad na inireport ng mga kapitbahay sa Project 6 Police Station 15 ang nangyaya­ring kaguluhan sa bahay ng mag-asawa.

Nagresponde sina PCpl Reynaldo Corong at Pat. Melchor Delos Angeles at naabutan na duguang nakabulagta ang biktima habang nakatayo sa harap nito ang suspek na may bahid ng mga dugo sa damit habang nasa tabi nito ang gamit na bolo sa pananaga.

Nabatid na kapwa walang trabaho ang mag-asawa at posibleng naaburido ang lalaki sa kanilang buhay kaya’t nagawa nito ang krimen.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with