_pang-masa
^
Swab test sa pauwing Pinoy na âfully vaccinated tanggalin - DOH
Ito ang inirekomenda ni Department of Health (DOH) Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa pamahalaan na hindi pa maipatutupad dahil sa nakatakdang pag-aralan pa ito ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) lalo na kung paano mabeberepika kung totoong kumpleto na ang isang biyahero ng kaniyang bakuna.
The STAR/Edd Gumban

Swab test sa pauwing Pinoy na ‘fully vaccinated tanggalin - DOH

Danilo Garcia (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Tanggalin na ang polisiya na isailalim sa COVID-19 swab test ang mga Filipino na papasok ng bansa kung nakakumpleto na sila ng bakuna sa abroad.”

Ito ang inirekomenda ni Department of Health (DOH) Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa pamahalaan na hindi pa maipatutupad dahil sa nakatakdang pag-aralan pa ito ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) lalo na kung paano mabeberepika kung totoong kumpleto na ang isang biyahero ng kaniyang bakuna.

Sa unang binagong panuntunan para sa mga biyahero na nakakumpleto ng bakuna dito sa Pilipinas, kailangan na lamang sumailalim sa pitong araw na qua­rantine ang mga papasok muli sa bansa at hindi na kailangang sumailalim sa COVID-19 tests.

Sinabi pa ng opisyal na base umano sa mga eksperto, kahit hindi isai­lalim sa tests ang isang biyahero basta naisailalim siya sa isolation ng sapat na araw ay magiging ligtas na ito.

Sa kabila ng mga bagong pagluluwag, tiniyak ng DOH na patuloy silang nagiging maingat sa pagtatanggal ng mga restriksyon sa mga fully vaccinated na indibidwal.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with