_pang-masa
^
SONA ni Duterte dadaluhan lang ng mga kumpleto na ang bakuna
Ito ang inihayag ni House Deputy Majo­rity Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng isasagawang paghahanda ng Kamara sa makasaysayang SONA ng punong ehekutibo.
STAR/ File

SONA ni Duterte dadaluhan lang ng mga kumpleto na ang bakuna

Joy Cantos (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaplano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na upang matiyak ang kaligtasan sa COVID-19 ay pawang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni House Deputy Majo­rity Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng isasagawang paghahanda ng Kamara sa makasaysayang SONA ng punong ehekutibo.

 Sa Hulyo 26 itinakda ang gaganaping huling SONA ni Pangulong Duterte sa Batasan Complex, Quezon City.

Ayon kay Romuldez, dahilan sa may pandemya pa sa COVID-19 ang idaraos na SONA ay kahalintulad rin noong nakalipas na taon na ‘blended’ na kumbinasyon ng pisikal na pagdalo habang ang iba naman ay magpapartisipa via Zoom.

Sa pamamagitan nito ay tataas ang ‘vaccine hesitancy’ at darami ang magpapaturok laban sa COVID-19 kung saan ay posible ring itaas ang bilang ng mga dadalo sa huling talumpati sa bayan ni Pangulong Duterte.

Pananatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask at social distancing bilang bahagi ng safety and health protocols.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with