_pang-masa
^
Sunog sa Navotas: 1 patay
Patuloy ang pagbomba ng tubig ng mga bumbero sa mga kabahayan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa isang residential area sa Brgy.San Rafael, Navotas City na kung saan isa ang naiulat na nasawi.
The STAR/Edd Gumban

Sunog sa Navotas: 1 patay

Doris Franche (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang naiulat na nasawi habang nasa 169 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa isang residential area sa Navotas City, kahapon ng  umaga.

Sa ulat ng Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:30 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa isang residentential area sa Brgy. San Rafael Village (SRV).

Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na mga kabahayan na pawang gawa sa lights materials kaya’t agad itinaas ng BFP sa ikalawang alarma ang sunog.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang idineklarang fireout na kung saan napaulat na isang Madel Santos, 50 ang nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

BFP FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with