_pang-masa
^

4 katao itinumba sa Zamboanga City

Doris Franche (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat na katao kabilang ang isang 5-anyos na batang babae matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa highway ng Barangay Tugbungan, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alih Ibno; Fatima Raddaie; Rana Raddaie; at Aliyanna Ibno, 5-anyos, kapwa residente ng Villa Teres, Brgy. Mampang ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang ambus sa mga biktima, alas-6:40 ng gabi ay sakay ang mga ito ng motorsiklo at habang binabaybay ang highway na sakop ng nasabing barangay ay biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang mga suspek at walang kaabug-abog na sila ay pagbabarilin na agad nilang ikinamatay.

Nang masigurong patay na ang mga biktima ay tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong away sa lupain ang motibo ng pamamaslang. - Rhoderick Beñez

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with