^

Police Metro

NPA gumagamit ng mga ‘child warriors’ at landmine sa bakbakan

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang paggamit ng New People’s Army (NPA) sa mga “child warriors” at anti-personel mines (APM) na pawang ipinagbabawal ng International Humanitarian Law matapos matanggap ang ulat ng dalawang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang-komunista sa Agusan Del Sur at Surigao del Sur.

Ito ang pinatunayan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos maaresto ang isang batang babae na itinago sa pangalang Cindy at pagkamatay ng tatlong mi­yembro ng NPA na isang lalaki at dalawang babae na isa dito ay menor de edad. Nakakumpiska ng mga baril, pampasabog at mga gamit para ma­kagawa ng APM.

Ayon sa NTF-ELCAC, kasinungalingan ang inilabas na pahayag ng NPA nang  sabihin  na ang mga napatay ay mga magsasaka at isang estudyante dahil nais lang nilang itago ang katotohanan na  dinudukot nila ang  mga kabataan upang gawing “child warriors” para agawin ang pamahalaan.

Ang bakbakan ay naganap sa Barangay Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur noong Lunes.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with