Duterte payag sa ospital lang isuot ang face shield
MANILA, Philippines — Payag umano si Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital lamang magsuot ng face shield.
“I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say. That the wearing of face shield should only be in hospitals,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Nilinaw ni Roque na ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang nagrerekomenda sa Pangulo, pero kapag ito na ang nagdesisyon ay nagiging polisiya.
Ayon pa kay Roque, maaari namang umapela ang IATF sa Pangulo lalo pa’t naninindigan ang Department of Health (DOH) na dapat pa ring isuot ang face shield kapag nasa loob ng isang lugar.
Idinagdag ni Roque na posibleng iapela ng IATF ang bagong polisiya na mananatili hangga’t hindi binabago ng Pangulo.
Para naman kay UP-OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye, hindi pa napapanahon para magluwag at magpakakumpiyansa kapag lumuwag na ang health protocols sa bansa.
- Latest