_pang-masa
^

Police Metro

FB live ni Cayetano at mga kaalyado umabot sa 1.6 milyon views

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Libu-libong Pinoy ang nakisaya sa FB livestream ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano, kanyang maybahay na si Taguig 2nd District Rep. Laarni at kanilang mga kaalyadong kongresista.

Sa 20 minutong livestream ay nakita ang ibang side ng mga kongresista, nagbibiruan habang masayang inaanunsyo ang mga pinakabagong 175 na benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-Asa program -- tig-25 mula sa District of Taguig-Pateros, Taguig 2nd District, Quezon City, Bulacan, Laguna, Batangas, at Camarines Sur.

Sa kalagitnaan ng livestream ay nasa 4,000 ang manonood na umabot na sa 1.6 million ang total views nito at 213K naman ang comments.

Sa huling bilang, nasa kalahating milyon na ang nakapanood ng video, at nasa 100,000 na ang comment mula sa mga nagnanais mapiling benepisyaryo ng P10,000 ayuda.

Magugunita na Pebrero 1, 2021 nang ihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10K Ayuda Bill na ikinokonsidera sa Bayanihan 3 ngunit ang probisyong naglalayong magbigay ng P10,000 na ayuda bawat pamilya ay hindi isinama.

Ang naaprubahang bersyon ng House ay maglalaan ng P200 bilyon para sa dalawang beses na P1,000 ayuda lamang bawat indibidwal.

Samantala, ang bersyon ng panukala ng Bayanihan 3 sa Senado ay nakabinbin pa rin sa committee level.

Umabot na sa 2,346 ang naging benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-Asa program simula nang una itong isagawa ng grupo sa lubos na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with