^

Police Metro

VFA suspensions pinalawig pa ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
VFA suspensions pinalawig pa ni Duterte
Sabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa halip na buhayin, nagdesisyon ang Pangulo na suspendihin pa ang terminasyon para mapag-aralan at matugunan pa ng parehong panig ang mga alalahanin sa partikular na aspeto ng kasunduan.
US Marine Corps/Lance Cpl. Mark Fike

MANILA, Philippines — Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim pang buwan ang suspensyon ng pagbasura nito sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa halip na buhayin, nagdesisyon ang Pangulo na suspendihin pa ang terminasyon para mapag-aralan at matugunan pa ng parehong panig ang mga alalahanin sa partikular na aspeto ng kasunduan.

“We are waiting for guidance from the Palace on the specific areas the President would like to look more closely into,” ani Locsin.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, matapos ang ilang linggong negosasyon, magpapasya na dapat si Pangulong Duterte hinggil sa magiging kapalaran ng VFA.

Pero giit ng Pangulo, dapat munang maipaliwanag ng US kung bakit hindi nito pinaalis ang China sa Scarborough Shoal noong 2012 standoff sa Pilipinas.

Isang kasunduan ang ginawa noon ng US para sa Pilipinas at Tsina na kapwa iurong ang kanilang mga barko sa Scarborough Shoal para maresolba ang standoff.

Tumalima ang Pilipinas sa kasunduan, pero hindi umalis sa isla ang mga barko ng China.

vuukle comment

VISITING FORCES AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with