Duterte ‘di makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC
MANILA, Philippines — Hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang imbestigasyon na posibleng gawin ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa sinasabing crimes against humanity dahil sa mga nangyaring pagpatay dahil sa ilegal na droga.
Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential spokesperson Harry Roque, nang matanggap na niya ang impormasyon na tinapos na ang preliminary investigation laban sa Pangulo at hihilingin na ang pagsisimula ng pre-trial.
“This is now a political issue. Hinding-hindi magku-cooperate ang Presidente hanggang tapos ng kaniyang termino sa June 30 of 2022. Hindi po natin alam kung ano ang magiging polisiya after 2022. Iyan po ay bibigyan po ng kasagutan kung sinuman ang susunod na presidente ng Pilipinas,” ani Roque.
Idinagdag ni Roque na mismong si Duterte ang nagsabi na hindi makikipag-tulungan ang gobyerno dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas.
Sinabi rin ni Roque na ang dapat imbestigahan ng ICC ay ang patayan ng New People’s Army dahil sasayangin lamang nila ang panahon at resources.
- Latest